maskara
6:11 AM | 0 comments

masasabi kong medyo ok na ako ngayon..
nakalagpas ako ng isang araw..
kaya ko ito..
sabi nga ng isa sa aking mga kaibigan
"we all wear masks sometimes"

(photo by black and white song)
tama siya doon, kailangan din natin minsan itago ang mga tunay
na nararamdaman natin.
pasenya na sa mga sinulat ko kagabi, dala lamang lahat yan ng sobrang emosyon
na tuluyang lumabas ng hindi mapigilan.
OO, nasaktan ako pero wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko.
hindi ako galit.. pero hindi padin normal..
Aminado medyo naiilang padin ako.. hindi ko lang alam kung napapansin mo..
pero iyun lang.. kung siya talaga.. wala akong kontra doon..
kung tutuusin masaya nga ako para sayo e..
kung nabasa mo man ang sinulat ko.. hindi ko babawiin pero hindi talaga ako galit sayo..
nililinaw ko lang..
hindi ako masaya pero hindi rin naman ibig sabihin na wala na lahat un sa akin..
kailangan ko pa rin ng panahon.
pero kaya ko ito!!!..
kakayanin ko..


tamaan ka sana...
6:47 AM | 0 comments

Hindi ko alam kung bakit itong skin na ito ang napili ko kanina nang
maisipan kong magbago ng blog pero ngayon ko lang napagtatanto kung bakit..

Ano ba ang mali sa akin?..

Masarap ba talaga akong paglaruan?

Akala ko sobra na ang 4 na taon kong pagpapakatanga pero ngayon
lang nalaman ko na pwede din pala akong gawing tanga ng mga taong
pinagkakatiwalaan ko
.

OO.. alam kong asyumera lang ako.. pero masisisi nyo ba ako???

Hindi naman ako magiisip noon ng walang dahilan..

Sana lang wala ka na lang sinabi kasi masaya na ako nung aug 13 e..

Hindi mo alam kung gaano ko katagal hinintay na magawa
yon pero anong ginawa mo???

Binalik mo lang ako..
binalik mo ako sa pagiging tanga..

Pinagkatiwalaan kita.. ikaw nga ang una kong binalitaan ng
nangyari nung araw na iyon e pero ginulo mo lang ang utak ko..


16 na araw mo akong ginago..

16 na araw na ginawang tanga..

16 na araw na pinaglaruan..


ano bang pinagkaiba mo sa kanila???

Unang-una, kaibigan kita.. kaya nga ako nasaktan e.. wala naman
gulo kung wala kang sinabi. Wala akong gusto sayo.. pero pinaasa mo ako..

Pinaasa na meron pang tao anjan na maaring makapansin sa akin..

Ikalawa, alam mo ang pinagdaanan ko.. alam mo na ang paglaruan ang ang nararamdaman ko ang kahulihulihan mong dapat gawin sa akin..

Mukha lang akong masayahing tao
pero sa totoo walang laman ang kaloob-looban ko..


Ikatlo, kahit kailan hindi ko inisip na kagaya ka niya.. NILA!!!

Mahal kita kabarkada kita e.. peo sana lang maintindihan
mo na hindi tama ang ginawa mo..

Ok na nga ako ng sinabi mo ang totoo..
natanggap ko iyon ng buong puso pero nung biniro
mo ulit ako tungkol doon.. hindi ko na napigilan.

Lilinawin ko lang.. hindi ako nasasaktan dahil hindi ako..
nasasaktan ako dahil sa ginawa mo..

Umiyak ako hindi dahil sawi ako.. kundi dahil tanga ako..

Hindi ako galit sayo.. galit ako sa ginawa mo..


Hindi ko itatanong kung pangit ako.. dahil napakababaw ng
tanong na yan.. ang tanong ko.. wala ba akong kwentang tao???..
Ang pinakadahilan lang ba ng aking pagkabuhay ang maging laruan..

Isa lamang talaga akong maganda at mamahaling doormat..
kahit ano pang ganda at puri ang nakukuha..

Isa paring doormat na aapakan, dudumihan,
at dadaan-daanan lamang..


VIRUS ALERT!!
8:14 PM | 0 comments

ok so ngka-virus ang blog ko so ngaun ito na...

hayyyy... ang dami k p nmn post dun sa dati..

eniwei, mgpopost ako ng matino dito pg ngustuhan ko..

ay... oo nga pla... bitter n nmn ang layout ko...

lam n kung bakit...