super duper late post!!!!
8:05 AM |

grabe long due na ito pero i have to post din parin!!!



hahaha!!!



HINDI NA AKO SASAKAY NG JEEP KAHIT KAILAN!!!

yan ang sumpa ko mula sa araw na ito.. kahit kailan hindi ko inisip na masasaktan ako ng ganito.

nagsimula ang araw na ito ng maganda... sa sobrang saya ko nga nakuha ko pang magluto ng babaunin kong lunch para samin ni marc e. last day na ng production namin ng AA. alam kong meron kaming mga unsuccessful shows pero dahil nga nung mga last shows kahapon nabawi na namin at nagbalik na ang hinahanap kong kalidad ng mga produksyon ng AA nagtiwala na ako na ito na.. ok na.. akala ko kasi ung drama kahapon e highest level na.. ni hindi ko na nga paigilan ang sarili ko na hindi magsallita kasi mali na ang mga nangyayari e pero ngayon ko lang napatunayan na mali pala talaga ang mg-assume... hindi ito patungkol sa nangyayari sa bawat show pero tungkol ito sa nangyari kaninang hapon.

12:30pm - hiyang-hiya na ako sa artistic kasi wala padin ang lunch ng mga tao...

12:45pm - finally dumating ang food pero andami ng tao sa labas so i asked the people to eat nalang backstage.

1:00pm - OMG!!! the ever so SRO!!!! i was really shocked kasi i knew na lahat ng show ay full house at nagkaroon na din kami ng 2 SRO pero this show ay super to the highest level.. imagine ultimo sa floor both sa harap at sa aisle may nka-upo.. i was so happy na after curtain call hinanap ko tlga si estar to thank her..sobra tlga ang saya ko nun... pglabas ko nga mas natuwa ako kasi may audience na agad sa labas... so pinag-ready ko na tlga ang lahat for the 3pm show...

3:00pm - ok full house kami ulit ang saya.. the show was really going smooth until...

tek: " si angge? c angge?"

me: bakit?

tek: wala ng pasok.. sinuspend na..

me: putangina!!!!!!!

nung una un lang ang reaksyon ko... pero nung tumagal nag-sink in na sakin.. pano na ang shows ko???

3:30pm - nasa labas ako ng audi...

karen: angge, tumawag ang edtech sa tech booth.. pinapahold ang shows!

me: ha? hindi! itutuloy natin toh.. ok people.. tuloy until gala show!

ate munch: angge pano 5pm show?

kuya mark: angge, ano na?

karen: angge, ganito sabi nung edtech.. pumunta daw sa sec.gen at mg-plead..

so ako go ako.. si kuya mark nga ung isasama ko nun e pero may nagsabi na si kuya Fhadz daw.. pero hindi ko siya makita that time so sabi ni kuya mark hahanapin niya...

nung lumabas si kuya mark, ksma na niya si kuya fhadz... so takbo tlga papuntang sec gen... pagdating don..

wala si sec gen.. so kinausap namin ung isang lalaki ng asst ata ni sec gen or something.. basta may office siya don so parang right-hand effect ang dating niya.. hindi ko na tlga inalam kasi hindi pa man ako nakakaupo ng-start na ako... i was literally pleading na matuloy ang shows namin.. lahat na at ng klase ng plead nagawa ko na.. actually, i think i got the sympathy so he decided to call sec gen.. asking his opinion.. but sadly he said no.. even personnels daw aalis na by 4pm so kahit si mang dolfo mg-tsupe na...

he was constantly saying sorry to me kasi at that time tears started to fall down my cheeks. he understands how i feel daw kasi naging student leader siya before and alam niya ang hirap ng pag-ayos ng mga activities pero he's just following orders lang daw tlga... so umalis nalang ako sa office niya na super down at feeling mag-isa.. literally i was feeling so alone at that time... ang bilis ko nga naglakad papuntang ab nun e...pagdating ko don.. diretso akong tech booth at doon ako sobrang nagbreakdown. alam ko mejo nagtataka ang mga tao doon pero i just cant help it... after a while sinabi ko na sa tech people...

i was constantly asking kuya fhadz kung i-cut na ba niya o ano pero walang sagot... after a few seconds sinabi ko na sa lights na patayin na ang ilaw...

then ako na ang nagsalita...

hindi ko ma-explain kung gaano kasakit na sabihin sa kanila na wala ng show.. hindi ko alam pero siguro naramdaman ng mga tao sa voice ko na ayoko nung sinasabi ko... i tried to fight to continue this pero wala e sec gen na ang nagsabi... we were just following orders, too!

Naisip ko ng bigla.. every shows ang problema namin kung pano maayos ang ending pero hindi ko naisip na ending pala ng buong production ang magiging problema namin… potah talaga!

paglabas ng audience... hinug ako ni marc at doon sobrang i felt so weak... parang feeling ko hindi ko nagawa ang lahat para matuloy ang 5 weeks preparation para dito... it was all on my shoulder being the production manager.. i felt i let every body down..

i gave my all to this production... dream ko toh e... pero bakit ganon?

bakit ngayon?... bakit sa akin?... bakit???

pero naisip ko.. my name is really nothing.. coz i was really fighting for AA na! i don't know if this is the first time, pero my god!!! nakakahiya sa audience sa mga nagbayad...for the past 27 years ang ganda ng reputation ng AA tapos ganito basta-basta mapuputol ang show ng ganon?...

sabi sa akin test daw ito... pero putang ina naman! anong klaseng test toh???.. pinanagarap kong maging PM kasi idol ko ang buddy ko... pingarap ko para meron akong m-prove sa sarili ko at sa mga magulang ko na kaya kong mag-succeed sa isang bagay na pinapasok ko.. i thought this was it.. alam ko hindi madali ang trabaho.. pero alam ko namang fulfilling ito pgnatapos.. haha nakakatawa ngang isipin na pumasok pa sa isip alam ko laging may surprise para sa PM after gala pero i never expected na ganitong surprise ang ibibigay sa akin. i did everything ma-plantsa lang tong prod na ito.. ultimo artistic pinakekealaman ko na maisagawa lang ito ng tama.. pati mga taong nirerespeto ko napagalitan ko dahil sa mga circumstances na kailangan ko na tlga mg-step up... alam ko hindi ako ng-kulang.. hindi nagkulang ang mga staffs ko...smooth ang takbo ng prod side..pero bakit??? do i really deserve this?

Lord, wag ka naman ganito.. simple lang ang panangarap ko.. bakit naputol pa???... gusto ko lang mapatunayan sa mga tao kung anong kaya ko.. kung ano magagwa ko??? bakit tinanggalan mo ako ng pagkakataon?... hindi ako selfish na tao.. alam mo yan Lord, hindi ko lang ginagawa toh para sa sarili ko pero Lord... sobra naman...why can't we just end the production normally???... bakit kailangan may test pa???

sa mga tao... im sorry..i promise i will do my best para magkaroon tayo ng last two shows...

gagawin ko ito hindi lang dahil nakakahiya sa audience pero dahil pinaghirapan nating lahat toh.. we deserve the last two shows...

LOrd, please ibigay mo naman yon.. kahit yun lang...nagmamakaawa na ako..

AA.. i promise!!! please wag tayong mawalan ng loob..please guys.. help me...please...

at s mga jeepney driver: sinusumpa ko hindi na talaga ako sasakay... tangina hindi niyo na inisip ang epekto ng ginawa niyo.. oo, oa na kung oa... wala akong pakialam kung ano pa man ung pinaglalaban niyo... tangina... tangina tlga!!!!