super duper late post!!!!
8:05 AM | 0 comments

grabe long due na ito pero i have to post din parin!!!



hahaha!!!



HINDI NA AKO SASAKAY NG JEEP KAHIT KAILAN!!!

yan ang sumpa ko mula sa araw na ito.. kahit kailan hindi ko inisip na masasaktan ako ng ganito.

nagsimula ang araw na ito ng maganda... sa sobrang saya ko nga nakuha ko pang magluto ng babaunin kong lunch para samin ni marc e. last day na ng production namin ng AA. alam kong meron kaming mga unsuccessful shows pero dahil nga nung mga last shows kahapon nabawi na namin at nagbalik na ang hinahanap kong kalidad ng mga produksyon ng AA nagtiwala na ako na ito na.. ok na.. akala ko kasi ung drama kahapon e highest level na.. ni hindi ko na nga paigilan ang sarili ko na hindi magsallita kasi mali na ang mga nangyayari e pero ngayon ko lang napatunayan na mali pala talaga ang mg-assume... hindi ito patungkol sa nangyayari sa bawat show pero tungkol ito sa nangyari kaninang hapon.

12:30pm - hiyang-hiya na ako sa artistic kasi wala padin ang lunch ng mga tao...

12:45pm - finally dumating ang food pero andami ng tao sa labas so i asked the people to eat nalang backstage.

1:00pm - OMG!!! the ever so SRO!!!! i was really shocked kasi i knew na lahat ng show ay full house at nagkaroon na din kami ng 2 SRO pero this show ay super to the highest level.. imagine ultimo sa floor both sa harap at sa aisle may nka-upo.. i was so happy na after curtain call hinanap ko tlga si estar to thank her..sobra tlga ang saya ko nun... pglabas ko nga mas natuwa ako kasi may audience na agad sa labas... so pinag-ready ko na tlga ang lahat for the 3pm show...

3:00pm - ok full house kami ulit ang saya.. the show was really going smooth until...

tek: " si angge? c angge?"

me: bakit?

tek: wala ng pasok.. sinuspend na..

me: putangina!!!!!!!

nung una un lang ang reaksyon ko... pero nung tumagal nag-sink in na sakin.. pano na ang shows ko???

3:30pm - nasa labas ako ng audi...

karen: angge, tumawag ang edtech sa tech booth.. pinapahold ang shows!

me: ha? hindi! itutuloy natin toh.. ok people.. tuloy until gala show!

ate munch: angge pano 5pm show?

kuya mark: angge, ano na?

karen: angge, ganito sabi nung edtech.. pumunta daw sa sec.gen at mg-plead..

so ako go ako.. si kuya mark nga ung isasama ko nun e pero may nagsabi na si kuya Fhadz daw.. pero hindi ko siya makita that time so sabi ni kuya mark hahanapin niya...

nung lumabas si kuya mark, ksma na niya si kuya fhadz... so takbo tlga papuntang sec gen... pagdating don..

wala si sec gen.. so kinausap namin ung isang lalaki ng asst ata ni sec gen or something.. basta may office siya don so parang right-hand effect ang dating niya.. hindi ko na tlga inalam kasi hindi pa man ako nakakaupo ng-start na ako... i was literally pleading na matuloy ang shows namin.. lahat na at ng klase ng plead nagawa ko na.. actually, i think i got the sympathy so he decided to call sec gen.. asking his opinion.. but sadly he said no.. even personnels daw aalis na by 4pm so kahit si mang dolfo mg-tsupe na...

he was constantly saying sorry to me kasi at that time tears started to fall down my cheeks. he understands how i feel daw kasi naging student leader siya before and alam niya ang hirap ng pag-ayos ng mga activities pero he's just following orders lang daw tlga... so umalis nalang ako sa office niya na super down at feeling mag-isa.. literally i was feeling so alone at that time... ang bilis ko nga naglakad papuntang ab nun e...pagdating ko don.. diretso akong tech booth at doon ako sobrang nagbreakdown. alam ko mejo nagtataka ang mga tao doon pero i just cant help it... after a while sinabi ko na sa tech people...

i was constantly asking kuya fhadz kung i-cut na ba niya o ano pero walang sagot... after a few seconds sinabi ko na sa lights na patayin na ang ilaw...

then ako na ang nagsalita...

hindi ko ma-explain kung gaano kasakit na sabihin sa kanila na wala ng show.. hindi ko alam pero siguro naramdaman ng mga tao sa voice ko na ayoko nung sinasabi ko... i tried to fight to continue this pero wala e sec gen na ang nagsabi... we were just following orders, too!

Naisip ko ng bigla.. every shows ang problema namin kung pano maayos ang ending pero hindi ko naisip na ending pala ng buong production ang magiging problema namin… potah talaga!

paglabas ng audience... hinug ako ni marc at doon sobrang i felt so weak... parang feeling ko hindi ko nagawa ang lahat para matuloy ang 5 weeks preparation para dito... it was all on my shoulder being the production manager.. i felt i let every body down..

i gave my all to this production... dream ko toh e... pero bakit ganon?

bakit ngayon?... bakit sa akin?... bakit???

pero naisip ko.. my name is really nothing.. coz i was really fighting for AA na! i don't know if this is the first time, pero my god!!! nakakahiya sa audience sa mga nagbayad...for the past 27 years ang ganda ng reputation ng AA tapos ganito basta-basta mapuputol ang show ng ganon?...

sabi sa akin test daw ito... pero putang ina naman! anong klaseng test toh???.. pinanagarap kong maging PM kasi idol ko ang buddy ko... pingarap ko para meron akong m-prove sa sarili ko at sa mga magulang ko na kaya kong mag-succeed sa isang bagay na pinapasok ko.. i thought this was it.. alam ko hindi madali ang trabaho.. pero alam ko namang fulfilling ito pgnatapos.. haha nakakatawa ngang isipin na pumasok pa sa isip alam ko laging may surprise para sa PM after gala pero i never expected na ganitong surprise ang ibibigay sa akin. i did everything ma-plantsa lang tong prod na ito.. ultimo artistic pinakekealaman ko na maisagawa lang ito ng tama.. pati mga taong nirerespeto ko napagalitan ko dahil sa mga circumstances na kailangan ko na tlga mg-step up... alam ko hindi ako ng-kulang.. hindi nagkulang ang mga staffs ko...smooth ang takbo ng prod side..pero bakit??? do i really deserve this?

Lord, wag ka naman ganito.. simple lang ang panangarap ko.. bakit naputol pa???... gusto ko lang mapatunayan sa mga tao kung anong kaya ko.. kung ano magagwa ko??? bakit tinanggalan mo ako ng pagkakataon?... hindi ako selfish na tao.. alam mo yan Lord, hindi ko lang ginagawa toh para sa sarili ko pero Lord... sobra naman...why can't we just end the production normally???... bakit kailangan may test pa???

sa mga tao... im sorry..i promise i will do my best para magkaroon tayo ng last two shows...

gagawin ko ito hindi lang dahil nakakahiya sa audience pero dahil pinaghirapan nating lahat toh.. we deserve the last two shows...

LOrd, please ibigay mo naman yon.. kahit yun lang...nagmamakaawa na ako..

AA.. i promise!!! please wag tayong mawalan ng loob..please guys.. help me...please...

at s mga jeepney driver: sinusumpa ko hindi na talaga ako sasakay... tangina hindi niyo na inisip ang epekto ng ginawa niyo.. oo, oa na kung oa... wala akong pakialam kung ano pa man ung pinaglalaban niyo... tangina... tangina tlga!!!!





realizations...
4:24 AM | 0 comments

today, nasusupend ang classes due to the bad weather... but that didn't stop me and marc na manood ng movie..

a few days ago, estar and myself had planned that we, together with marc and jon, will watch the movie "one more chance" but unfortunately hindi nakasama sina estar. Since we were already out, tumuloy kami ni marc.. so sa gateway kami napunta.. sayang nga lang kaming dalawa lang.. pero next time matutuloy din natin ang plan natin estar.. next time...



so there... nung nasa gateway na kami, i was asking him kung gusto ba niya talaga manood kasi nga ako lang naman ang nagpupumilit... so we were choosing between "one more chance" and " lion.." something.. basta ung kay tom cruise.. eventually, "one more chance" din pinanood namin.


actually, the main reason why wanted to see this movie was basically because of a line that popoy (john lloyd) uttered. siguro alam na ito ng lahat :



"she loved me at my worst, you had me at my best...but you chose to break my heart!"..



that line really struck me... i don't know why but it kind of felt like i was saying the line.. hahaha!!! it sounds so pathetic pero naka-relate ako the moment na narinig ko siya...

i gave my best when i was with my past.. i know for a fact na i tried so hard to do things just to please him. i sacrificed a lot. and i can say that i became a good girlfriend to him but then he still left me.. now, im with marc... and im happy!!! eventhough when we started, i know na hindi ako buo.. it sounds bad and all, pero alam naman niya ung past ko. kaya nga ang dami kong questions noon e... but still he loved me.. and now i can say that i love him!!! at 100% na ito...he has accepted kahit na sino ako.. all my flaws.. lahat lahat!!! ang mushy ko pero un ang totoo.. ive never been so happy as i am right now.. kaya nga sabi ko sa kanya hindi ung line ang favorite ko sa movie dahil mas applicable sa akin ung isa pang line ni popoy:



"siguro kaya tayo sinasaktan at iniiwan ng mga taong sobrang mahal natin ay dahil balang araw may darating na mas mamahalin natin at mas magmamahal satin nang hindi tayo sasaktan kahit kailan"...



at alam ko dumating na siya...

whatever it is that i have experienced in the past.. sa past nalang un... it's part of me, i know... pero hanggang doon nalang iyon.. im happy and wala na ako hihilingin pa!!!


unlike sa movie..(sorry spoiler) hindi na ako babalik sa nakaraan.. tama na sa akin ang ngayon..kung tutuusin.. sobra pa nga... sobra sobra!!!!! alam kong hindi talaga ginusto ni past na saktan ako kasi may sarili siyang reasons pero thankful ako ngayon sa kanya dahil kung hindi niya ginawa yun hindi ako magiging ganito kasaya ngayon... totoo nga na everything has a reason... at ang reason kung bakit ako sobrang nasaktan dati ay dahil hindi siya talaga ang para sa akin... may mas higit pa!!! at si marc un!!!! = P kaya nga on our way home, sobrang ganda ng mood ko.. ewan ko kung napansin ni marc un.. masaya lang talaga ako... masayang-masaya!!!


haaaay...tama na nga ang kadramahang ito.. merong funny thing pala sa movie.. bida ang ust.. haha!!! may mga scenes na sa ust field kinunan.. hahaha!!! wala lang natawa ako..natawa kami... aun...


pinasaya ako ng movie kaya i-propromote ko na ito...
manood kayo ng "one more chance"..
dahil maganda siya.. hahaha!!!!





it's time to celebrate!!!!!!!........ for now...
6:46 AM | 0 comments

APPROVED NA ANG RIZAL AT BLUMENTRITT!!!!!
Grabe, the moment na pinirmihan ni mam cabral ang script sobrang parang nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib ko!!! lusot na and officially, game na kami!!! walang nasayang na mga nagawa na.. walang nasayang na panahon.....I LOVE MAM CABRAL!!!!
pero hindi jan nagtatapos ang lahat....
oo, simula palang ito.. bukas makakausap ko na ang prod team...sana lang kumpleto sila.. madami akong gustong sabihin...haaaayyy..ito na ang tunay na trabaho.. haharapin ko ng talaga...
Lord, tulungan niyo ako.. tulungan niyo kami...
sana wala ng batong haharap sa rutang tinatahak namin...
ngingiti ako ngayon.. sana hanggang gala show, nkangiti na ako...


nananalangin...
8:11 PM | 0 comments

hindi na muna ako mg-update or something.. dahil ang utak ko isa lang ang sinisigaw..

SANA M-APPROVE!!!!


utang na loob un lang tlga iniisip ko ngayon..

ayoko mgstart from scratch ulit... waaaaahhhh..


natatakot ako sa responsibility pro pinangarap ko ito at hindi ko ito sasayangin..pinagkatiwala sa akin ang trabahong ito kaya gagawin ko ang lahat para maging maayos ang prod na ito...waaaahh... shit! nmushy na ako dahil ngayon plng gusto ko n mgthank you.. haha!!! souvenir prog na ito.. hahaha!!! bsta kay kuya steeve at kuya ryan.... ate sam at kuya john... kada... tropa... buddy joesie at abi.. kahit nsan man kayo... my orig buddy camille... pards ( we can do this!!!!!)... at syempre hon.. ung mga reasons hintayin niyo nlng... bsta gusto ko lng mgthank you.. madadagdagan pa yan...

prod team: let's do this!!! alam kong kaya natin toh!!! magtutulungan tayo dahil hindi ko kaya toh mg-isa... (cliche.. i know)....

sige kakain na kami... waaaahhh!!!!

lord!!!!!!!!!!! help me!!!! help us!!!!


gusto mo bang malamana ang kapalaran mo???
10:23 PM | 0 comments

Artistang Artlets, the Official Theater Guild of the Faculty of Arts and Letters of the University of Santo Tomas will be staging its 1st Major Production on its 27th season.

“AGNIOA”
written by Liza Magtoto based from Eli Guieb III's short story entitled "Horoscope". this Don Carlos Palanca 1st Prize winner script is to be directed by John Emmanoel Moran and to be produced by Therese S, Docot.
It will be staged this September 29, and October 1 with time slots: 10 am, 1, 3, 5 and 7 pm at the Albertus Magnus Auditorium, Education Bldg., UST.


paglayo sa magulong mundo ng syudad
1:17 PM | 0 comments


walang ingay...

sariwang hangin...

sana lagi nalang ganito..

malayo sa kaguluhang

pilit tinatakbuhan...

( senti mode )



isn't it too late for our penitensya???
10:49 PM | 1 comments

yup.. it has began...

yesterday was my first day sa gym with gaby, ehji, and marc...
super tiring sobra.. pero compared sa ibang people don super wala lang ung mga ginagawa ko but then npagod ako nonetheless.. pero akala ko dun lang natatpos un...
this morning i woke up with a sore body.. waaaaaaaahhh.. both my abdominal area and my arms are super sakit.. i can't even raise my arms kasi sobra talaga sakit....

sabi nila this would less for at least a week.. oh no!!! so my next gym day is probably next week pa...

anyway.. i have to do this.. i want to do this.. i need to do this!!!!

yahoo!!!