maskara
6:11 AM |

masasabi kong medyo ok na ako ngayon..
nakalagpas ako ng isang araw..
kaya ko ito..
sabi nga ng isa sa aking mga kaibigan
"we all wear masks sometimes"

(photo by black and white song)
tama siya doon, kailangan din natin minsan itago ang mga tunay
na nararamdaman natin.
pasenya na sa mga sinulat ko kagabi, dala lamang lahat yan ng sobrang emosyon
na tuluyang lumabas ng hindi mapigilan.
OO, nasaktan ako pero wala akong pwedeng sisihin kundi ang sarili ko.
hindi ako galit.. pero hindi padin normal..
Aminado medyo naiilang padin ako.. hindi ko lang alam kung napapansin mo..
pero iyun lang.. kung siya talaga.. wala akong kontra doon..
kung tutuusin masaya nga ako para sayo e..
kung nabasa mo man ang sinulat ko.. hindi ko babawiin pero hindi talaga ako galit sayo..
nililinaw ko lang..
hindi ako masaya pero hindi rin naman ibig sabihin na wala na lahat un sa akin..
kailangan ko pa rin ng panahon.
pero kaya ko ito!!!..
kakayanin ko..